writing is my first love. a few years back, i stopped.
now i want to fall in love again.

Sunday, April 11, 2010

PIPINO

{written april 7, 2010}

pipino-nilalagay sa magang mata

magang mata-epekto ng magdamag na pag-iyak

magdamag na pag-iyak-dahil sa kakaisip sayo

sabi ko kagabi, huli na ito
iiyak ko na ang lahat ng naitatagong luha at pag-aalala
alam kong hindi na kita makikita pa
gusto ko pero sigurado na ako
hindi na dapat kitang makita pa
maraming pang mga salita ang dapat bigkasin
ngunit marami na akong iniluha
marami na akong hindi pagtulog
sapat na iyon para sabihing tama na
pagod na ako, ayoko na
pinipili kong maging masaya
iba ang saya kapag kasama ka
ngunit ang kapalit naman ng mga saglit na iyon ay habang buhay ng pag-aalala kaya

titigilan na kita.

pupunasan ko na ang huling luha ko
luha dahil sa mga bilang natin na saglit
sa mga pagtakas natin at pagtago
sa mga magdamag na pag-uusap
sa mga mainit mong yakap
sa mga itinuro mo
sa mga hindi natatanggap na sulat
sa mga pinakamamahal na masang-api
sa mga kasamang iiwan

at para sa pamilyang muling babalikan

hindi na kita pwdeng mahalin pa. dahil sa bawat bagong araw na minamahal kita ay bagong araw ng pag-aantay sa hindi dumarating na mga sulat at bagong araw ng pag-aalala na baka tuluyan ka ng hindi makita.

hindi na kita pwdeng mahalin pa dahil wala ng ihihigit ang pagmamahal ko para sayo.

No comments:

Post a Comment