writing is my first love. a few years back, i stopped.
now i want to fall in love again.

Wednesday, March 31, 2010

"E"

ang kanyang hindi pagtulog ay hindi dahil sa magulo niyang kapatid. ang kanyang hindi pagtulog ay hindi din dahil sa maraaming magagandang palabas sa tv pag late na. ang kanyang hindi pagtulog ay dahil sa mga mahahalagang gamit niya na hindi niya mahanap. maraming beses niya ng sinubukan ayusin ang tambak na gamit niya pero sa dulo nanatili parin itong tambak. tatlong buwan na ang lumipas at bawat araw ay nagtatanggal siya ng gamit sa tambak na iyon. sinusubukan na hanapan ng bagong pwesto sa bahay at sa buhay niya. pero sa bawat gamit na tinatanggal niya ay tila may isang katerba ulit na kalat na dumadagdag. minsan naisip niyang itapon na lang ang lahat. pero hindi niya kaya. muli niyang maiisip ang lahat ng magagandang bagay na marahil nagtatago sa sulok ang kanyang matatapon.

tulad ng kanyang mumurahin na pendant. kulay blue ito at may letrang E. E ang initial nya pati iyo. natuwa siya noong makita niya ito sa isang tiangge kaya agad niyang binili. yun din yung araw na nalaman niyang mapagkakatiwalaan ka nya. noong araw na iyon at araw araw kapag katapos nun ay pinapangiti mo siya. sira na ang pendant na iyon ngayon pero hindi niya pa din tinatapon.

No comments:

Post a Comment