ang kanyang hindi pagtulog ay hindi dahil sa magulo niyang kapatid. ang kanyang hindi pagtulog ay hindi din dahil sa maraaming magagandang palabas sa tv pag late na. ang kanyang hindi pagtulog ay dahil sa mga mahahalagang gamit niya na hindi niya mahanap. maraming beses niya ng sinubukan ayusin ang tambak na gamit niya pero sa dulo nanatili parin itong tambak. tatlong buwan na ang lumipas at bawat araw ay nagtatanggal siya ng gamit sa tambak na iyon. sinusubukan na hanapan ng bagong pwesto sa bahay at sa buhay niya. pero sa bawat gamit na tinatanggal niya ay tila may isang katerba ulit na kalat na dumadagdag. minsan naisip niyang itapon na lang ang lahat. pero hindi niya kaya. muli niyang maiisip ang lahat ng magagandang bagay na marahil nagtatago sa sulok ang kanyang matatapon.
tulad ng kanyang mumurahin na pendant. kulay blue ito at may letrang E. E ang initial nya pati iyo. natuwa siya noong makita niya ito sa isang tiangge kaya agad niyang binili. yun din yung araw na nalaman niyang mapagkakatiwalaan ka nya. noong araw na iyon at araw araw kapag katapos nun ay pinapangiti mo siya. sira na ang pendant na iyon ngayon pero hindi niya pa din tinatapon.
balagbag: ibigsabihin ekstra o sobra. isa itong lagayan ng mga ekstrang emosyon at ideya na hindi ko maipwesto sa buhay ko.
writing is my first love. a few years back, i stopped.
now i want to fall in love again.
now i want to fall in love again.
Wednesday, March 31, 2010
Monday, March 29, 2010
what can i say to the guy i love with all my life?
sorry.
i got scared. there is no way in hell i could take another minute of possibility that i'll lose you. sorry.
i got selfish. if we had it my way, i'll keep you all to myself. sorry.
i got weak. you are my strength but you are so far away. sorry.
i got confused. i don't know what i want anymore. sorry.
i got emotional. how i felt clouded my judgment. sorry.
i got an unruly heart. i love you too much. sorry.

Saturday, March 27, 2010
"tipirin mo luha mo"
yan ang lagi mong sinasabi sakin. iyakin kasi ako at madalas masyadong nag-iisip. takot ako sa maraming bagay pero ang pinaka kinakatakutan ko ay mawala kita. kaya naman sinisikap kong manatili ka sa lahat ng aspeto ng pagkatao ko. mahigpit akong nakahawak sa lahat ng mga gamit mo na asakin. bawat oras ay binabalikan ko ang ating mga bilang na araw.
alam kong gusto mong lagi akong masaya. pero mahirap ito gawin. hindi ba ang pagngiti ko ay parang pagtataksil sayo? ayaw kong maging masaya ng wala ka. dahil sa bawat bagong araw na ako'y masaya ay isang araw natin ang mawawala. dahil ang bawat masayang araw ko ay isang araw ng paglimot sayo. hindi ako papayag.
ayokong makalimot. ayoko.

Monday, March 22, 2010
ang kanyang walang hanggang paksa
[hindi ko dapat ito ginagawa. hindi ako dapat nagsusulat tungkol sayo dahil alam kong magiging walang hanggan ang aking pagsusulat na puro tungkol sayo. iyon ka. iyon ka sa buhay ko, isang walang katapusan na paksa.]
ngayon alam ko na kung bakit siya nagsusulat. kung bakit siya gabigabing nagpupuyat. kung bakt buong araw siyang nakaupo sa harap ng laptop. kung bakit lagi siyang may hawak na papel at lapis.
nagsusulat siya hindi lang para masabi ang mga saloobin. nagsusulat siya hindi lang para may maibahagi. nagsusulat siya para mabasa mo. nagsusulat siya para mabasa mo ang kanyang mga iniisip. nagsusulat siya para mabasa mo ang kanyang mga nararamdaman. nagsusulat siya para mabasa mo ang kanyang mga karanasan. mga iniisip, mga nararamdaman at mga karanasan na hindi mabahagi sayo.
nagsusulat siya para sa iyong mga tingin. nagsusulat siya para sa iyong mga haplos. nagsusulat siya para sa iyong mga matamis na wika. nagsusulat siya para sa iyong pagsinta.
at higit sa lahat
nagsusulat siya ng buong puso't lakas dahil sa mundo lamang ng mga letra at salita ka niya muling makakasama.

halika
ilang ulit na akong naglakad palayo. ngunit bawat daan na tahakin ko ay laging bumabalik kung saan ako nanggaling. at lagi andoon ka nakatayo tulad ng dati. hindi ko alam kung humakbang ka rin ba palayo o nanatili ka lang dito. sa iba't ibang paglalakbay na pinanggalingan ko, marami akong nakilala at natutunan. masasabi kong binago ako ng mga ito.
pero ikaw, tila isa kang permanenteng bagay na hindi kayang baguhin ng panahon.
lagi akong magtitiwala na maraming nagbago sayo simula ng huli kitang makita. magagandang pagbabago. ngingiti ka at hahwakan ang kamay ko. muli nating susubukan. ilang saglit muna bago ko mapapansing ako lang ang sumusubok dahil muli wala ka na. wala kang bakas kahit saan. para kang isang bulang biglang nawala. wala palang ibinagbago.
at tulad ng dati, aantayin kita. hindi ka babalik kaya muli akong tatahak ng bagong landas. papalayo kung saan mo ako lagi iniiwan.
nang nakita kita ngayon, natawa na lang ako. pinaglalaruan nga talaga ako ng pagkakataon dahil muli kong sinabing halika.
Saturday, March 13, 2010
ulan
sobrang lakas ng ulan. sa lakas hindi ko naririnig ang sarili ko mag-isip. summer ngayon at sabi nila may el nino kaya naman parang nakakapanibago. nang huling ummulan ng ganito, kasama kita. natatandaan mo ba? hindi din natin inasahan ang pagdating nito. kinailangan pa nga natin lumipat ng pinagtutuluyan dahil pinapasok ng tubig ung makeshift natin na bahay. nasira mo pa nga payong ko e. buong gabi at buong araw ang ulan nun. ilang minuto pa lang ito ngayon, pero parang mas malamig ngayon. lagi natin pinaplano na maglaro sa ulan at madals nating inaabangan pagdating nito. pero tuwing umuulan na may kailangan na tayong puntahan o gawain.
yun ang kwento natin, masaya at nagmamahalan pero lagi tayong may ibang kailangan gawin. maraming beses nating tinakasan ang mundo. nagpapanggap tayo na walang nakakakilala sa atin at hindi tayo nakatali sa oras. pero lagi't lagi magigising tayo at malalaman nnating nahanap uli tayo.

Thursday, March 11, 2010
ang paghihintay
maaga pa lang ay gumugising ka na. unang kakapain ang cellphone mo para malaman ang oras. mahalaga ang oras. hindi mo ito pwdeng sayangin sa pagtulog. pagkatapos mong mag-almusal ay pupunta ka na sa paborito mong pwesto sa bahay. at muli mong dadalawin ang nakaraan. isang anino ang nagmamasid sa bawat galaw mo. sumasayaw ka sa musika ng tahimik na hangin. lalapit siya sayo. ngingiti ka at hahawakan ang kanyang pisngi. kakalma ang kanyang mukha. ang iyong haplos ay tanda ng iyong pangakong susunod ka. ang pagdungaw mo sa lumang bintana ay hudyat na nagsisimula na ang bagong araw ng iyong paghihintay sa kanyang tawag, sa kanyang sulat at sa kanyang pagdating.
pareho naman nating alam, hindi ka naman dapat nag-aantay.
Wednesday, March 10, 2010
never-been-in-love meets always-bein'-hurt
"lullaby mo ako"
"ayoko nga. sabi mo masakit sa tenga pagkanta ko"
"hindi ko sinabi yun ha. pwde ka ngang music box e."
"whatever"
"sige na. hindi ako makakatulog"
"oo na. wag ka na palang maingay."
"yey. salamat, baby"
"ayoko nga. sabi mo masakit sa tenga pagkanta ko"
"hindi ko sinabi yun ha. pwde ka ngang music box e."
"whatever"
"sige na. hindi ako makakatulog"
"oo na. wag ka na palang maingay."
"yey. salamat, baby"
---
"sugat ba yan?"
"wala lang yan."
"dahil ba sa atin?"
"wala lang yan."
"dahil ba sa atin?"
---
"o anong ginagawa mo dito?"
"tutulungan ka sa make up lab mo. at dinadalhan ka ng pagkain."
"bago mong hobby ang alagaan ang may sakit?""tutulungan ka sa make up lab mo. at dinadalhan ka ng pagkain."
---
"bawal tayo dito"
"we miss out on beautiful things kasi we are too busy"
"baka mahuli tayo ng guard"
"wag ka na lang maingay"
"wow. ayos nga dito."
"alam mo bang the moon, the stars and the sky kahit anong araw maganda?"
"kailangan lang talagang huminto at mas tignan ito."

"sunduin mo ako bukas ng 8am"
"bakit?"
"birthday mo diba? dadalhin mo akong star city. treat mo"
"pero may tatapusin pa akong paper."
"wag ka ng umanagal at bawal malate!"
"bakit?"
"birthday mo diba? dadalhin mo akong star city. treat mo"
"pero may tatapusin pa akong paper."
"wag ka ng umanagal at bawal malate!"
---
"tahan na"
"paano ko ipapaintindi na iba na ang gusto kong gawin?"
"sabihin mo kung paanong nag-iba. give them your reasons. maiintindihan ka nila"
"i can't hurt my family."
"eventually you need to tell them. mas magandang maaga pa lang. hindi naman masama ung gusto mo e. "
"i'm not strong enough"
"andito lang ako"

"sino pang crush mo maliban sakin?"
"marami akong crush. at hindi ka kasama dun."
"kaya pala lagi mo akong kinukulit sa text at saan saan dinadala."
"bored ako. at kaladkarin ka lang talaga."
"marami akong crush. at hindi ka kasama dun."
"kaya pala lagi mo akong kinukulit sa text at saan saan dinadala."
"bored ako. at kaladkarin ka lang talaga."
---
"wag ako."
"huh? anong wag ikaw?"
"masasaktan ka lang."
"huh? anong wag ikaw?"
"masasaktan ka lang."
---
"hindi pa ba natin ibaba ung phone. antok na ako."
"patabi ako."
"paano?"
"san ka nakaharap?"
"left, facing the wall."
"sisingit ako sa inyo ng wall ha."
"sige."
"hug ko?"
"opo. eto na. okay na?"
"good night."
"paano?"
"san ka nakaharap?"
"left, facing the wall."
"sisingit ako sa inyo ng wall ha."
"sige."
"hug ko?"
"opo. eto na. okay na?"
"good night."
---
Tuesday, March 9, 2010
isang gabing pagtayo
september 16, 2008
01:26am
isang phone call...
boy: uy. musta?
girl: boy? ayos lang ako. napatawag ka?
boy: galing kami sa lamay ng mama ni h. kilala mo ba?
girl: sa pangalan. anong nangyari sa kanya? musta ka na pala?
boy: miss ka na.
girl: huwag mo nga akong bolahin.
boy: san ka?
girl: sa labas ng boarding house, mahina signal e. ikaw ba?
boy: may bf ka ngayon?
girl: wala!
boy: ako may gf, si angel locsin
girl: ngek.
boy: naglalakad ako dati sa gateway tapos may tumawag sa akin si diana zubiri ang pogi ko daw pwde ko daw ba siyang maging gf pero hindi ako pumayag. kasama niya noon si angel e sabi ko si angel gusto ko. ayun, iniwan ni angel si piolo para sa akin.
girl: labo mo, boy. sino kasama mo dyan?
boy: wala na. andito ako sa sofa nakahiga e. nahihilo ako.
girl: o bakit?
boy: nag-inuman kami e.
girl: inom na naman?
boy: ngayon lang uli. wala na akong bisyo maliban sa dota.
girl: sus. dota na naman.
boy: nagseselos ka? hindi kita ipagpapalit sa computer.
girl: (sighs) saglit nilalamok ako. nakalandline ka pala. hindi ba magagalot si mommy (breathes heavily) mo?
boy: ayos lang. ikaw naman e. malakas ka sa kanya.
girl:musta nga pala sya?
boy: nalala mo yung fireworks nun?
girl:oo naman.
boy: kasing ganda mo yun. sayang. may kupal lang e.
girl: o sino?
boy: pupuntahan kita.
girl: ngayon? asa pa.
boy: hindi yan.
girl: sige nga.
boy: sunduin mo ako.
girl: baliw ka.
boy: kayo pa din ba ni r?
girl:hindi na diba.
boy:hindi nga?
girl:oo nga. matagal na.
boy: kaaway ko na yun e.
girl:bakit naman?
boy:kupal sa dota e.
girl:huwag niyo ng uliting magpatayan ha.
boy:basta wag siyang maangas.
girl:dali tignan mo yung full moon. sobrang ganda.
boy:nasa labas ako ng boarding house niyo ngayon.
girl:imposible ka.
boy:seryoso.naka pink ka nga e.
(girl looking around)
boy:joke lang. lakad tayo mula sentro ng [insert name of town] hanggang [insert name of the next town]
girl: masaya yan.
boy: pinupuntahan ka daw ni r diyan sabi ni f.
girl: sinabi ko na sayo nun diba. huling beses kaming nagkita dito nung kami pa. march pa yun.
boy: bat sabi ni f lumuwas siya.
girl: hindi kami nagkita kung kailan man yun. andito dad niya baka doon nagpunta.
boy: hindi talaga?
girl: hindi. matagal ng hindi kami. alam mo yun.
boy: ikaw kasi e. bigla ka na lang nag boyfriend.
girl: huh? (confused) ikaw din naman diba. nauna ka pa.
boy: hindi ha.
girl: anong tawag mo kay someone at someone?
boy: iba yun. sila nanligaw. pinagbigyan ko lang.
girl: paano naging iba yun? ganoon din yun.
boy:saglit lang yun. at hindi ko sila minahal. hanggang nayon, ikaw lang.
girl: pwde huwag ka ng magsasabi ng hindi mo kayang panindigan!
boy: mahal mo si r?
girl: hindi.
boy: sa isang taon na yun? kayo pa di e!
girl: ang labo mo! alam mo bang lagi kaming nag-aaway dahil sayo. minsan nga nahuli niya akong may tinitago pang folder na puro messages mo.
boy: talaga? e nung sa fiesta?
girl: wala na din kami nun. minumura niya ako,kaya niya ako tinabihan.
boy: tae. bat hindi mo agad sinabi sakin?
girl: ayaw ko ng gulo.
boy: ganun din ang nangyari e.bakit puro ikaw ang nasa profile niya?
girl: ewan ko sa kanya.
boy: kakausapin ko siya.
girl: hindi na kailangan.
boy: kelan ka uuwi?
girl: baka next month pa.
boy: labas tayo.
girl: (hesitates) pwde naman.
boy: ahh. bat ang tagal pa.
girl: try ko next week.
boy: aantayin kita kahit matagal.
girl: tinignan mo na ba yung moon?
boy: nakakatulog na ako.
girl: a sige nangangalay na din paa ko.
boy: bukas na lang uli.
girl: bukas?
boy: itetext kita bukas.
girl: hindi nga?
boy: yun una kong gagawin. itetext kita.
girl: lagi mong sinasabi yan e.
boy: babawi ako. promise.
girl: promise yan ha.
boy: opo.[insert girl's name], forever and ever.
girl: (breathes deeply)i love you too.
end call: 03:18am
ang gabing ito ay ang paulit ulit lang na kwento ng pag-ibig nila. isang pag-ibig na hindi kayang panindigan ng isa at hindi malimutan ng isa pa.

Monday, March 8, 2010
november 10, 2009.
09:00. pumasok ka sa McDo kung saan ka namin hinihintay.
"hindi ka dapat naleleyt kapag ganitong klaseng usapan" sabi ni mini
ngumiti ka at nagsorry. tinanong mo kung kanina pa kami.
"may isang oras na" sabi ko
ngumisi ka na parang hindi naniniwala.
"aalis na ba?" tanong ko kay mini
may inaantay pa. kaya naman pinilit niyo pa akong ilibre kayo.
maraming beses tayong nagtawanan at nagkulitan habang nag-aantay. pero hindi na katulad ng dati.
nang dumating si ana, sinubukan pa rin nating maging masiyahin ngunit kita sa ating mga mata ang pagkabalisa. muli nating tinignan kung kumpleto na ba ang lahat ng kailangan. tinabihan mo ako at pinisil ang kamay ko. oo, nangyayari na nga ito.
handa na ang lahat.
"mag-usap muna kayo."sabi nila at iniwan tayo ng saglit.
"kaya mo?"
"oo naman!" matagal kong pinractice ang sagot na yun sa utak ko
ngumiti ka. ngumiti ako. gusto kong tumingin sa malayo. ayaw kong salubungin ang tingin mo. pero dapat kong titigan ang mukha mo.
walang kumibo sa atin. sana tumigil ang oras. kundi naman ay mahawakan ko ang saglit na ito. maitago sa malayo kung saan walang sino man ang makakasira nito o makakalimot.
tumayo na si mini. hudyat na kailangan ng umalis.
sa labas, mataas na ang sikat ng araw. masakit sa balat, pati sa loob.
naglakad tayo hanggang sa terminal sa SM.
"eto na talaga yun"
"oo nga. lagi kang mag-iingat at pag-igihan mo ha."
"ikaw din. tipirin mo luha mo."
niyakap kita ng mahigpit.
at ang ating mga labi ay nagdikit sa huling pagkakataon.
tumalikod na ako at naglakad palayo. buong lakas kong pinigil ang aking paglingon.
nang nakasakay na ako ng jeep, nakita kita naglalakad.

Subscribe to:
Posts (Atom)