writing is my first love. a few years back, i stopped.
now i want to fall in love again.

Saturday, March 13, 2010

ulan

sobrang lakas ng ulan. sa lakas hindi ko naririnig ang sarili ko mag-isip. summer ngayon at sabi nila may el nino kaya naman parang nakakapanibago. nang huling ummulan ng ganito, kasama kita. natatandaan mo ba? hindi din natin inasahan ang pagdating nito. kinailangan pa nga natin lumipat ng pinagtutuluyan dahil pinapasok ng tubig ung makeshift natin na bahay. nasira mo pa nga payong ko e. buong gabi at buong araw ang ulan nun. ilang minuto pa lang ito ngayon, pero parang mas malamig ngayon. lagi natin pinaplano na maglaro sa ulan at madals nating inaabangan pagdating nito. pero tuwing umuulan na may kailangan na tayong puntahan o gawain.
yun ang kwento natin, masaya at nagmamahalan pero lagi tayong may ibang kailangan gawin. maraming beses nating tinakasan ang mundo. nagpapanggap tayo na walang nakakakilala sa atin at hindi tayo nakatali sa oras. pero lagi't lagi magigising tayo at malalaman nnating nahanap uli tayo.

No comments:

Post a Comment