september 16, 2008
01:26am
isang phone call...
boy: uy. musta?
girl: boy? ayos lang ako. napatawag ka?
boy: galing kami sa lamay ng mama ni h. kilala mo ba?
girl: sa pangalan. anong nangyari sa kanya? musta ka na pala?
boy: miss ka na.
girl: huwag mo nga akong bolahin.
boy: san ka?
girl: sa labas ng boarding house, mahina signal e. ikaw ba?
boy: may bf ka ngayon?
girl: wala!
boy: ako may gf, si angel locsin
girl: ngek.
boy: naglalakad ako dati sa gateway tapos may tumawag sa akin si diana zubiri ang pogi ko daw pwde ko daw ba siyang maging gf pero hindi ako pumayag. kasama niya noon si angel e sabi ko si angel gusto ko. ayun, iniwan ni angel si piolo para sa akin.
girl: labo mo, boy. sino kasama mo dyan?
boy: wala na. andito ako sa sofa nakahiga e. nahihilo ako.
girl: o bakit?
boy: nag-inuman kami e.
girl: inom na naman?
boy: ngayon lang uli. wala na akong bisyo maliban sa dota.
girl: sus. dota na naman.
boy: nagseselos ka? hindi kita ipagpapalit sa computer.
girl: (sighs) saglit nilalamok ako. nakalandline ka pala. hindi ba magagalot si mommy (breathes heavily) mo?
boy: ayos lang. ikaw naman e. malakas ka sa kanya.
girl:musta nga pala sya?
boy: nalala mo yung fireworks nun?
girl:oo naman.
boy: kasing ganda mo yun. sayang. may kupal lang e.
girl: o sino?
boy: pupuntahan kita.
girl: ngayon? asa pa.
boy: hindi yan.
girl: sige nga.
boy: sunduin mo ako.
girl: baliw ka.
boy: kayo pa din ba ni r?
girl:hindi na diba.
boy:hindi nga?
girl:oo nga. matagal na.
boy: kaaway ko na yun e.
girl:bakit naman?
boy:kupal sa dota e.
girl:huwag niyo ng uliting magpatayan ha.
boy:basta wag siyang maangas.
girl:dali tignan mo yung full moon. sobrang ganda.
boy:nasa labas ako ng boarding house niyo ngayon.
girl:imposible ka.
boy:seryoso.naka pink ka nga e.
(girl looking around)
boy:joke lang. lakad tayo mula sentro ng [insert name of town] hanggang [insert name of the next town]
girl: masaya yan.
boy: pinupuntahan ka daw ni r diyan sabi ni f.
girl: sinabi ko na sayo nun diba. huling beses kaming nagkita dito nung kami pa. march pa yun.
boy: bat sabi ni f lumuwas siya.
girl: hindi kami nagkita kung kailan man yun. andito dad niya baka doon nagpunta.
boy: hindi talaga?
girl: hindi. matagal ng hindi kami. alam mo yun.
boy: ikaw kasi e. bigla ka na lang nag boyfriend.
girl: huh? (confused) ikaw din naman diba. nauna ka pa.
boy: hindi ha.
girl: anong tawag mo kay someone at someone?
boy: iba yun. sila nanligaw. pinagbigyan ko lang.
girl: paano naging iba yun? ganoon din yun.
boy:saglit lang yun. at hindi ko sila minahal. hanggang nayon, ikaw lang.
girl: pwde huwag ka ng magsasabi ng hindi mo kayang panindigan!
boy: mahal mo si r?
girl: hindi.
boy: sa isang taon na yun? kayo pa di e!
girl: ang labo mo! alam mo bang lagi kaming nag-aaway dahil sayo. minsan nga nahuli niya akong may tinitago pang folder na puro messages mo.
boy: talaga? e nung sa fiesta?
girl: wala na din kami nun. minumura niya ako,kaya niya ako tinabihan.
boy: tae. bat hindi mo agad sinabi sakin?
girl: ayaw ko ng gulo.
boy: ganun din ang nangyari e.bakit puro ikaw ang nasa profile niya?
girl: ewan ko sa kanya.
boy: kakausapin ko siya.
girl: hindi na kailangan.
boy: kelan ka uuwi?
girl: baka next month pa.
boy: labas tayo.
girl: (hesitates) pwde naman.
boy: ahh. bat ang tagal pa.
girl: try ko next week.
boy: aantayin kita kahit matagal.
girl: tinignan mo na ba yung moon?
boy: nakakatulog na ako.
girl: a sige nangangalay na din paa ko.
boy: bukas na lang uli.
girl: bukas?
boy: itetext kita bukas.
girl: hindi nga?
boy: yun una kong gagawin. itetext kita.
girl: lagi mong sinasabi yan e.
boy: babawi ako. promise.
girl: promise yan ha.
boy: opo.[insert girl's name], forever and ever.
girl: (breathes deeply)i love you too.
end call: 03:18am
ang gabing ito ay ang paulit ulit lang na kwento ng pag-ibig nila. isang pag-ibig na hindi kayang panindigan ng isa at hindi malimutan ng isa pa.
No comments:
Post a Comment