"tipirin mo luha mo"
yan ang lagi mong sinasabi sakin. iyakin kasi ako at madalas masyadong nag-iisip. takot ako sa maraming bagay pero ang pinaka kinakatakutan ko ay mawala kita. kaya naman sinisikap kong manatili ka sa lahat ng aspeto ng pagkatao ko. mahigpit akong nakahawak sa lahat ng mga gamit mo na asakin. bawat oras ay binabalikan ko ang ating mga bilang na araw.
alam kong gusto mong lagi akong masaya. pero mahirap ito gawin. hindi ba ang pagngiti ko ay parang pagtataksil sayo? ayaw kong maging masaya ng wala ka. dahil sa bawat bagong araw na ako'y masaya ay isang araw natin ang mawawala. dahil ang bawat masayang araw ko ay isang araw ng paglimot sayo. hindi ako papayag.
ayokong makalimot. ayoko.
No comments:
Post a Comment