writing is my first love. a few years back, i stopped.
now i want to fall in love again.

Thursday, March 11, 2010

ang paghihintay

maaga pa lang ay gumugising ka na. unang kakapain ang cellphone mo para malaman ang oras. mahalaga ang oras. hindi mo ito pwdeng sayangin sa pagtulog. pagkatapos mong mag-almusal ay pupunta ka na sa paborito mong pwesto sa bahay. at muli mong dadalawin ang nakaraan. isang anino ang nagmamasid sa bawat galaw mo. sumasayaw ka sa musika ng tahimik na hangin. lalapit siya sayo. ngingiti ka at hahawakan ang kanyang pisngi. kakalma ang kanyang mukha. ang iyong haplos ay tanda ng iyong pangakong susunod ka. ang pagdungaw mo sa lumang bintana ay hudyat na nagsisimula na ang bagong araw ng iyong paghihintay sa kanyang tawag, sa kanyang sulat at sa kanyang pagdating.

pareho naman nating alam, hindi ka naman dapat nag-aantay.

No comments:

Post a Comment