[hindi ko dapat ito ginagawa. hindi ako dapat nagsusulat tungkol sayo dahil alam kong magiging walang hanggan ang aking pagsusulat na puro tungkol sayo. iyon ka. iyon ka sa buhay ko, isang walang katapusan na paksa.]
ngayon alam ko na kung bakit siya nagsusulat. kung bakit siya gabigabing nagpupuyat. kung bakt buong araw siyang nakaupo sa harap ng laptop. kung bakit lagi siyang may hawak na papel at lapis.
nagsusulat siya hindi lang para masabi ang mga saloobin. nagsusulat siya hindi lang para may maibahagi. nagsusulat siya para mabasa mo. nagsusulat siya para mabasa mo ang kanyang mga iniisip. nagsusulat siya para mabasa mo ang kanyang mga nararamdaman. nagsusulat siya para mabasa mo ang kanyang mga karanasan. mga iniisip, mga nararamdaman at mga karanasan na hindi mabahagi sayo.
nagsusulat siya para sa iyong mga tingin. nagsusulat siya para sa iyong mga haplos. nagsusulat siya para sa iyong mga matamis na wika. nagsusulat siya para sa iyong pagsinta.
at higit sa lahat
nagsusulat siya ng buong puso't lakas dahil sa mundo lamang ng mga letra at salita ka niya muling makakasama.
No comments:
Post a Comment