ilang ulit na akong naglakad palayo. ngunit bawat daan na tahakin ko ay laging bumabalik kung saan ako nanggaling. at lagi andoon ka nakatayo tulad ng dati. hindi ko alam kung humakbang ka rin ba palayo o nanatili ka lang dito. sa iba't ibang paglalakbay na pinanggalingan ko, marami akong nakilala at natutunan. masasabi kong binago ako ng mga ito.
pero ikaw, tila isa kang permanenteng bagay na hindi kayang baguhin ng panahon.
lagi akong magtitiwala na maraming nagbago sayo simula ng huli kitang makita. magagandang pagbabago. ngingiti ka at hahwakan ang kamay ko. muli nating susubukan. ilang saglit muna bago ko mapapansing ako lang ang sumusubok dahil muli wala ka na. wala kang bakas kahit saan. para kang isang bulang biglang nawala. wala palang ibinagbago.
at tulad ng dati, aantayin kita. hindi ka babalik kaya muli akong tatahak ng bagong landas. papalayo kung saan mo ako lagi iniiwan.
nang nakita kita ngayon, natawa na lang ako. pinaglalaruan nga talaga ako ng pagkakataon dahil muli kong sinabing halika.
No comments:
Post a Comment