09:00. pumasok ka sa McDo kung saan ka namin hinihintay.
"hindi ka dapat naleleyt kapag ganitong klaseng usapan" sabi ni mini
ngumiti ka at nagsorry. tinanong mo kung kanina pa kami.
"may isang oras na" sabi ko
ngumisi ka na parang hindi naniniwala.
"aalis na ba?" tanong ko kay mini
may inaantay pa. kaya naman pinilit niyo pa akong ilibre kayo.
maraming beses tayong nagtawanan at nagkulitan habang nag-aantay. pero hindi na katulad ng dati.
nang dumating si ana, sinubukan pa rin nating maging masiyahin ngunit kita sa ating mga mata ang pagkabalisa. muli nating tinignan kung kumpleto na ba ang lahat ng kailangan. tinabihan mo ako at pinisil ang kamay ko. oo, nangyayari na nga ito.
handa na ang lahat.
"mag-usap muna kayo."sabi nila at iniwan tayo ng saglit.
"kaya mo?"
"oo naman!" matagal kong pinractice ang sagot na yun sa utak ko
ngumiti ka. ngumiti ako. gusto kong tumingin sa malayo. ayaw kong salubungin ang tingin mo. pero dapat kong titigan ang mukha mo.
walang kumibo sa atin. sana tumigil ang oras. kundi naman ay mahawakan ko ang saglit na ito. maitago sa malayo kung saan walang sino man ang makakasira nito o makakalimot.
tumayo na si mini. hudyat na kailangan ng umalis.
sa labas, mataas na ang sikat ng araw. masakit sa balat, pati sa loob.
naglakad tayo hanggang sa terminal sa SM.
"eto na talaga yun"
"oo nga. lagi kang mag-iingat at pag-igihan mo ha."
"ikaw din. tipirin mo luha mo."
niyakap kita ng mahigpit.
at ang ating mga labi ay nagdikit sa huling pagkakataon.
tumalikod na ako at naglakad palayo. buong lakas kong pinigil ang aking paglingon.
nang nakasakay na ako ng jeep, nakita kita naglalakad.

No comments:
Post a Comment